ANG TULA KO’Y HINDI PARA SA KUNG KANGI-KANGINO LAMANG

“Most people are stupid…”
-PLATO

Imoral
Hindi para sa mga Tagalog
Ang aking aklat

Mapakla akong mangusap
Para sa mga hindi magtatakip
Ng tenga at mata sa kariktan
Ng umiimbulog na orgasmo
Ng bulkan

Ipagdiriwang ko
Ang algoritmo ng rumaragasang lahar
Na maglilibing sa mga simboryo ng Katedral

Nananalig ako
Sa kapangyarihan ng tula

Laban sa krus

Style pyrophyllite
Hindi bugok

Talinghagang
Mahuhubog na granite
Di kayang abuhin ng Mayon at Pinatubo
Tulad ng kambal na diskarteng
Magma ng ebolusyon: Atay-atay
O punctuated equilibria
Para tugnawin ang mga kabalbalan
At engkanto ng Kristianismong
Kumakapon sa tao

Baliw
Tawagin nyo
Akong kuntra-Vaticano

Hindi para sa mga Filipino
Ang aking libro

Realistiko
Hindi para sa mga pantasyador-historyador
Basurista-karerista ng kasaysayan

Natural
Hindi para sa mga lagalag na manunulat
Manlalambay kaingero-scavenger

Tahas
Hindi para sa mga eunuch
Mga edukadong lumpo
Parasite ni Socrates
Sponger ni Plato
Cherubím ni Dante
Sucker ni Shakespeare
Pulgas ni Balagtas
Pulot -boys nina Derrida
Lacan Foucault
Mikrobyong postmodernismo
O neo-marxismo

Sumasamba
Ako’t nagpupuri kay Aristotle
Saksi ako ni Darwin
Propeta ko si Condorcet
Santo ko si Comte

Nietzsche fanatic

Higit sa lahat
RIZALISTA
Nananalig ako
Sa muli nilang pagkabuhay

Magkakatawang-tao
Sa mga kabataang artistang
Bukas ay magiging manlilikha
Ng mga bagong karunungang
Magpapayabong sa kalikasan
At kasiningan ng buhay sa mundo
Hanggang sa kawalang-hanggang
Tibok ng puso at bugtong
Ng mega-universo

Sumasampalataya ako
Sa literaturang maka-Agham

Inuulit ko
Ang tula ko’y hindi
Para sa kung kangi-kangino lamang

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: