SKEPTICS

SKEPTICS 

Ang SKEPTICS ay isang pangkat ng mga taong

 naniniwala sa  isang makata-pilosopo na nagsabing:

“In individuals, insanity is rare;
but in groups, parties, nations and epochs,
 it is the rule.”
 
                                               – Friedrich Nietzsche
 
 
 
BUKAS ang SKEPTICS sa mga mahistrado ng Korte Suprema na pumirma at nagdisisyong harangin ang Truth Commission at nagpawalang-sala kina Hubert Webb sa Visconde Massacre; na kumampi kay Mickey Arroyo na maging kinatawan sa party list ng mga tricycle driver;  Inaasahang siyento por siyento na ibabasura din ng Korte Suprema ang kaso ng mga Ampatuan sa Maguindanao Massacre.
Bukas ang SKEPTICS sa mga mahistrado ng Sandigang Bayan na humatol sa pagbabalik sa mga Marcos ng kompiskadong mansion sa Tolosa, Leyte;  nagpalaya sa bilangguan kay General Carlos Garcia  na umamin sa korte na siya’y mandarambong ng badyet ng militar.
Welcome na welcome sa SKEPTICS ang pamilyang Macapagal-Arroyo; ang mga Kongresista at Senador ng Kamahalmahalang Naciong Filipinas;
Welcome ang SKEPTICS sa mga istasyon ng TV, Kapamilya at Kapuso;
BUKAS din ang SKEPTICS sa lahat ng mersenaryo ng Bilbiyang Vatican: Mahal na Papa, mga Arsobispo, Pari;  Iglesia ni Kristo; kasama sina  Brother Mike Velarde, Brother Ely Soriano, Brother Eddie Villanueva, Brother Quilboloy etc. etc. etc…
Naniniwala ang SKEPTICS na Banal / Sagrado ang salitang Tagalog na  KAHUNGHANGAN, ito ang pambansa nating katangian na pamana ng Kulturang Vatican –  tama – mula sa salitang ugat – HUNGHANG – at dapat isalin sa lahat ng wika sa Filipinas.
 
Naniniwala ang SKEPTICS, na walang kasing dakila sa mundo ang Liping Filipino.
Naniniwa ang SKEPTICS  sa mga manunulat at artistang  makabayan, makadiyos, makatao/ postmodern, humanist, modernista/balagtasista; sila ang mga  bantay-polusyon sa sining at panitikan.  
Hindi mamamatay sa kanser ang bansang ito dahil sa kanyang pambansang oracion (slogan):
 
Mabuhay ang the Philippines!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: