ILANG BUTIL NG ASIN

1.

Kelan ang Kaunlaran? Kapag natutong magsulat ang mga Pinoy na scientist.

Kailangang lumahok ang mga scientist sa arte at literatura. Ang mga scientist ang mga totoong intelektwal. Sila ang mga artist na pag-asa ng Pilipinas.

May mga batang scientist na nag-iisip nang makapagbuo  ng spaceship. Pwedeng hikayatin ang mga lider-relihiyon, mga ministro, mga pari at pastor na magbakasyon sila sa Pluto; isama na rin ang mga pulitiko pati trapoeta at humanistang Vaticano.  At para siguradong hindi na sila makababalik sa Pilipinas, ibangga ang kanilang sasakyan sa asteroid.  Hossana sa Kaitaasan. Naghihintay sa kanila si Jehova, El Shaddai, Yaweh, Jesus Christ, Mohammed etc…  Bathala at Bathaluman…

2.

Uyam ni Nietzsche :

Primum scribere,

Dende philosophari

– Mag-aaral muna tayong

Magporma ng mga salita

Bago hanapan ng kahulugan…

3.

P.I.K.

Pu…. I.. ka !

Pilosopong German

Makatang  pilosopo

Nag-iisa sa mundo.

4.

Tatapakan ka muna sa balikat

Ng kabataang Pinoy na pilosopo

Hindi para magpa-istariray

Kundi para makapagsirko at lumapat

Ang kanilang bumbunan sa iyong tuktok

Titindig kabaligtad ng tayo mo

Pero mas marami na silang alam

Kesa sa iyo, Ikaw

Ulol na Anti-Christ.

5.

Meron din kaming magagaling na makata

Halimbawa: Pete Lacaba

Nakapangangaligkig ang lamig

Talo ang yelo

Ng kanyang tapat na berso

Harana sa pagbabago;

6.

Ligamgam naman ng taeng kalabaw

Sa pandama  ang hagkis ng taludtod

Para sa usaping agraryo

Ni Lamberto E. Antonio;

7.

Gelacio Guillermo

Batumbuhay sa tubuhan

Mapaklang nektar

Tinig-anak-pawis

Na kinakatasan ng pulot;

8.

At si Rio Alma

Literatura eternal ang henyoridad

Ng lawas at larab

Ng kanyang isang libo’t isang  pag-ibig

Sa Naciong Filipinas

Mula sa unang pasyo’t

Huling hudhud.

9.

Tayo na.

Hindi sa kanan

Hindi sa kaliwa

Hindi sa harap

Hindi sa likod

Hindi sa itaas

Hindi sa ibaba

Hindi sa South

Hindi sa North

Hindi sa West

Hindi sa East

Ang mandate ng Tula

Ay mega-Universe!

10.

Tayo na!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: