PANITIKANG MAKABUHAY

1.

Gusto mong maging manunulat?  Mabuhay ka!

Para ka namang patay!  Mabuhay ka!.

Ano bang natapos mo? Ano bang meron ka? Salita? Hilig? Ambisyon? Utot mo!

Papasahan ka lang sa literaturang Pinoy ng mga pinaglumaang karunungan.  Mga sinaunang pag-aakala sa buhay ng tao, sa sining at panitikan, sa kapaligiran, sa daigdig at mithing langit-langitan.

Kabilang buhay?  Mag-ingat sa akdademyang sumagap ng kolonyal hispanikong Romano Katolikong kaisipan?  Nananalaytay sa kanilang ugat ang pananaw sa buhay, kultura’t moralidad ng mga dugong bughaw.

Mga payaso ng literaturang makahari.  Ang tawag nila sa masa, sa kanilang mga sakop ay kapamilya,  kapuso.  Mga konsyumer ng  literaturang ukay-ukay!

Mabuhay nawa ang panitikang ukay-ukay!

2.

Sa pagsusulat nang tapat, hindi mo kailangan ang isang salitang… huwag na huwag mong babanggitin yung katagang kabaligtaran ng kasinungalingan para ka makapagsiwalat nang walang labis walang kulang.

3.

Gusto mong tumula?  Marunong ka ng Latin? Espanyol? English? Tagalog? May moral ka bang humimod sa tumbong ng may tumbong? Kristiano Katoliko Romano.  Pasensyoso. Mapagpatawad. Pupurihin kang nakangisi, sasaksakin ka sa likod. Tapat na tapat sa pagkukunwari.  Kristiano Katoliko Romanong moralidad. Polite hypocrisy.

Gusto mo talagang tumula?

Naniniwala kang ipinanganak si Balagtas nang una sa kanyang panahon?  Eleganteng Mananagalog. Pinakabibong makatang mersinaryo ng Romano Katolikong Kristiano.  Ang kanyang obra maestra ay hiyas kuno ng Panitikang Filipino.

Okey lang. Puwit ng baso.

Kikong-Balagtas – isang palpak na manghuhula na nakagoyo sa mga Katolikong intelektwal. Ang Albanyang Kaharian nina Florante at Laura ay bansang Muslim na ngayon!

Nagkombert daw sa Kristianong pananalig sina Aladin at Flerida! Utot nyo?

Sinong kilala mong makata? Manunulat?

Jose Lacaba? Gelacio Guillermo? Lamberto Antonio? Lualhati Bautista? Edgardo M. Reyes?  Mga Anarkista! Imoral.

Kung walang  anarkista at imoral,  di sana’y sakbibi ng kapayapaan sa pormalin ang formalistang literatura – pinong-pino. Kinis na kinis. High taste. Elegante.  Desiderata de Kokak.

Meron pa bang iba?

Arnold Molina Azurin!

Syempre: BOB ONG!

Deny to death ang mga trapoets. SAbi ng isang hall of famer sa Palanca na mandudula:

Hindi raw magtatagal si Bob Ong!

Utot mo!

4.

Etiology.

Sakit ng sikat na manunulat. Sakit na walang lunas kundi paghuhunos-dili.

Ano kamo? Diksyunaryo?

4.1.

Etiology.

eti·ol·o·gy \”ē-tē-‘ä-lə-jē\ n, pl -gies [ML aetiologia statement of causes, fr. Gk aitiologia, fr. Aitia cause] (ca. 1555)
1 : cause origin ; specif: the cause of a disease or abnormal condition
2 : a branch of knowledge concerned with causes ; specif: a branch of medical science concerned with the causes and origins of diseases

-Merriam-Webster’s Dictionary and Thesaurus

4.2.

Etiology.

Paano nangyari yun?

Matanda na ang literatura ng mga Kanibal. Oral. Literal.

Kailangan ng bansa ang mga cultural psychologists. Si Dr. Florentino H.  Hornedo. Meron pa bang iba? Baka. Sino?

5.

Etiologic.

Kabaligtaran ay maaaring:

hy·po·chon·dri·a·sis \-‘drī-ə-səs\ n, pl -a·ses \-“sēz\ [NL] (1766) : morbid concern about one’s health esp. when accompanied by delusions physical disease

-Merriam-Webster’s Dictionary and Thesaurus

6.

Proyektong bagong diksyonaryong Filipino? Isama sa paggawa ang intelehenteng galing sa masa; yung aktibong intelektwal at kalahok sa produksyon. Nasaan ang mga scientist na maka-masa. Nasaan ang mga scientist na anak ng masa?

Ano ang alam n’yo sa mamamayan – sa buhay ng masa?  Gasoline boy? Botante?  Snatcher?  Walang-galang.

Isasalvage at sasakbatan sa leeg ng tagline:  Snatcher: Huwag Tularan!

Kelan gaganti ang masa?

Kailan haharangin sa karsada ang nagwawang-waaaaang na sasakyan. Hahatakin ang sakay na kagalang-galang, pupugutan at sasakbatan sa leeg ng tagline: Trapo: Wag tularan!

7.

Kagalang-galang? – Doble-kara ang salita. Masyadong inabuso ng panitikan ang salitang: His/her Exellency; Kagalang-galang. Honorable.

8.

Sa bookstore: Paano ginagamit ang mga salitang iginagalang? Inabuso ang salita ng mga tagliners: Rebelde.  Nangunguna.  Dakila.  Ipalamon natin sa kumunoy ang mga salitang katali ng mga pinatutungkulan.

Sulyapan ang mga back cover ng tala-talaksang librong kung sinunog ay  nakapagpamulaklak sana ng maraming punong mangga.

Maghunos-dili!

9.

Maghunos-dili? Mas magaling ang ahas, pag nagpalit ng balat, lumalaki, mas mabagsik.  Mas superior.

Psssit.

Mga payaso, sa loob at labas ng inyong damit at maskara, katawa’t kaluluwa ninyo’y lampa. Mga kampon kayo ni Abraham, mga sakristang kapon –  ni Bagongbanta, Ossorio, Herrera, Aquino de Belen… Mangumpisal man kayo’t  magdasal, nakapagkit sa inyong mga litid ang kultura ng Vatican.

Parang langaw kayong sinapot ng gagampang-pari.  Namamaluktot. Pabulok nang pabulok!

Bakit ninyo ipapagambala ang bulok na kapayapaan? Ang moralidad ng sibilisasyon: fine dining at tapsilog. Eat-all-you-can. Turo-turo. White-wine at ice-tubig. Tumigil na kayo mga pulot-boys-and-girls ng panitikang Pilipino. Tantanan n’yo ang panitikan.

10.

Nasaan ang mga scientists na may karapatang magsulat?  Dr. Florentino H. Hornedo; Arnold Molina Azurin;  sino pa?

11

Mga scientists at manunulat, mga anak ng masa; kahit anak-mayaman, basta scientist. Magsulat kayo.  Panahon nang lumikha ng mga bagong karunungan. Kayo lamang ang may mga matang dilat. Kayo lamang ang may isip na mulat. Kayo lamang. Kayong kayo lamang.

Lumikha kayo nang lumikha ng realistang  panitikan. Matalinghaga’t makabuhay.  Kuntra-idealista, kuntra-mistikal, kuntra-autocratic;  natural at biospheric. Prolife. Makabuhay.

12.

Makabuhay. Tumpak. Napaka-angkop na salita. Literaturang Makabuhay.

Huli’t unang sigaw ko ito: Mabuhay ang Papatay-patay na Literaturang Filipino!

Likhain at isulong ang Panitikang Makabuhay!

Makabuhay ang Bagong Panitikan ng Pilipinas!

Si Dr. Florentino H. Hornedo, manunulat, maka-agham, cultural psychologist – Makabuhay!

Meron pa bang iba?   Utot nyo!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: